bob ong

Si by Bob Ong

Si by Bob OngTitle: Si

Author: Bob Ong

Genre: Filipino Literature, Romance, Realistic Fiction

Rating: 3.5 stars

From Goodreads:

“Maari bang malaman ang iyong pangalan?”

“Victoria”

“Kailan kita masisilayan, Victoria?”

“Sa iyong pagsilang”

Mabenta sakin noong kabataan ko (lol!) si Bob Ong. Natutuwa ako sa mga kwento nya eh, lahat ng libro nya inabangan ko at binili ko nung may pera na ako pambili ng libro. Ung mga libro nya na mga nobela, di ko na masyado nagustuhan ung iba. Na-trauma ata ako kay Ang mga Kaibigan ni Mama Susan. Wahahaha. Pero nung nakita ko ung librong to sa NBS, naisip ko mag-try ulit magbasa ng kwento ni Bob Ong.

Actually itong Si, binili ko dahil sa mababaw na rason – gustong gusto ko ung cover. Paboritong kulay ko kasi. Napaka-misteryoso pa ng summary sa likod. Hahaha. Pero nung nagsimula ako magbasa, medyo naguluhan ako. At nakornihan ako. Kasi lalaki ung bida, di ko ma-imagine na magsasalita ng napaka..flowery(?) tungkol sa pag-ibig ang mga lalaki. Pero sabagay, iba ang henerasyon nya. Baka ganun talaga sila dati. Hehe.

Nung tumagal naman natuwa na ako sa mga pangyayari sa Si. Kakaiba ang twist nya, although mahahalata mo na rin naman sa simula kung ano ung nangyayari. Siguro umabot sa kalagitnaan ng libro bago ako medyo nadala sa kwento. At di na ako nakokornihan sa pananalita ng bida. Mahirap ata magkwento ng mga nabasa ko dito, baka may spoiler akong masabi ng hindi sinasadya. Haha.

Ang naisip ko nung natapos ko itong libro…minsan makikita mo ang isang tao na napakasaya sa buhay. Maiinggit ka sa kanya kasi mapapaisip ka ano ginawa nya para maging ganun. Pero di mo lang alam, maaaaring napakarami nya na rin napagdaanan na hirap sa buhay – mawalan ng magulang, o anak, o kung ano pa man – ngunit nakarating sya sa punto na naging masaya pa rin sya. Hindi sa lahat ng oras masaya ang tao. Hindi rin sa lahat ng oras ay bigo sya. Ang mahalaga siguro, i-enjoy mo na lang ang buhay mo na walang regrets.

Naging cheesy na ata mga sinasabi ko. Basta masaya naman ang Si. Ako lang siguro may problema kasi madali ako makornihan sa mga kwentong pag-ibig lately. Hahahahaha. Although hindi sya kwento lamang ng pag-ibig, kundi kwento ng buhay ng isang tao. 😀